Nabubuhay ako sa paniniwalang ikabubuti ng isang taong ilubog sa kalimutan ang aking nararamdaman at emosyon sa pamamagitan ng pagbaling ng atensyon sa mga makamundong bagay na magdudulot ng panandaliang ligaya, mga bagay na sa kahit karampot na pintig ng oras ay papawi sa kung ano pa mang kalungkutan ang nais ikumpol sa likod ng maligayan maskara. Naniniwala ako sa kaisipang ang mga taong marunong itago ang lungkot ay ang mga taong marunong humawak at gamayin ang sariling emosyon - na ang mga naghahari ay ang mga taong di napapadala sa kumpas ng puwing sa maselan na mata.
Ni minsan ay di ko maisip na muling kukulimlim ang aking mga mata at muling bubuhos ang isang malupit na bagyo. Subalit nangyari ang hindi inaasahan. Hindi ko lubusang maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam ng unang patak na mistulang malamig na pawis mula sa mapungay na mata. Nawala ang kung ano pa mang emosyon ng galit at kalungkutan at napalitan ng kakaibang kamalayan - isang karanasang ako lang mismo ang makakapaliwanag.
Matapos ng huling pagdanak ng tubig, at paghagukhok ng akin baga ay nagising ako sa katotohanang hindi buo ang pagkatao kung wala ang pagdanak ng luha - na ang tunay na makapangyarihan ay ang taong hindi mapagpanggap at na ang pagluha'y katibayang ang isang tao'y may puso.
Muli
About this entry
Youre currently reading Muli.
- Published:
- on 20130122
- Category:
- jun
- Previous:
- Older Post
- Next:
- Newer Post